Now Playing Tracks

Matched: ET and Me (1)

Et and me (1)

 

“A what???”

“Hug, you need to go back here. Baka kung ano’ng gawi sa ‘ki ng alien na ‘to!” Malakas na bulong ni Elmo habang kausap si Hugo sa telepono.

“Wait, wait. Alien?! As in alien?! Moe, tumira ka ba?!”

Elmo rolled his eyes. He kind of expected that reaction from Hugo. Dahan-dahan syang humabang at sumilip sa may kusina. Natigilan sya nang makitang nag-iikot sa buong area ang babaeng may kakatuwang suot, hindi nya mawari kung alien nga ba ito o robot o galing sa kung saang costume party. “Bumagsak sya sa bubong Hug, nag-iiba iyong kulay ng mga mata nya kanina. Tapos may sinasabi pa sya na hindi ko maintindihan.”

Bumuntong-hininga si Hugo sa kabilang linya. “Payat ba?”

“Ha?”

“Payat ba? Iyong mukhang malnourished.” Minasdan ni Elmo ang katawan ng babae. She’s actually sexy at maganda ang hubog ng katawan lalo na’t hapit pa ang suot nito.

“No.”

“Masyado bang matangkad o masyado bang bansot?”

“Nope.”

“Abnormal ba kulay ng balat? Mahahaba ba iyong mga mata? Pangit ba sya? Nakakatakot ba? In short, mukha bang alien?” Elmo looked at the girl’s face and she’s actually very pretty. She’s the prettiest he’s ever seen.

“Hindi.”

“Sigurado ka bang hindi ka tumira ng kahit ano, Moe? I was in the middle of a very important meeting tapos iistorbohin mo ‘ko dahil sa may kung ano’ng alien dyan sa bahay ko?” Hindi kumibo si Elmo. “Baka iyan ang bagong modus ng mga akyat-bahay gang ngayon, o kaya baka fan mo lang yan na masyadong obsessed sa iyo na gumawa na ng stunt makapasok lang sa bahay. You can handle that, Moe. Tawag na lang ako okay? I have to go.”

Wala nang nagawa si Elmo kundi hayaan na si Hugo. Paano nga ba nya ito mapapaniwala, wala itong nakita sa mga nangyari kanina. Ibinulsa nya ang cellphone nya’t saka pinanood ang babaeng bumagsak mula sa itaas kanina. Pansin ni Elmo na mukhang natutuwa at namamangha ang babae sa bawat bagay na naroon sa kusina. Nang buksan nito ang ref ay halos ipasok nito ang ulo nito sa loob. Binuksan nito ang freezer at kinuha ang isang ice box at bigla itong kinain. Nanlaki ang mga mata ni Elmo nang Makita nya iyon. Nanguya ng babae ang matigas na ice box at biglang nagbago ang kulay ng balat nito’t nagging mas maputi.

Nangalkal pa ito ng mga pagkain sa ref at nang damputin nito ang isang bote ng beer ay sinubukan na itong lapitan ni Elmo. Ngunit nang pitikin lang nito ang takip at naalis ito agad ay muling napako sa kinatatayuan nya ang binata. Ininom ng babae ang buong laman ng bote na iyon nang minsanan at pagdaka’y napahinto ito. Hinintay ni Elmo na mahimatay ito o malasing kaagad ngunit bigla itong may sinabi. “Lur-lur-lur!!!”

Napakunot-noo si Elmo. “Lur- ano daw?!” At nabigla na lang si Elmo nang sunod-sunod na kinuha ng babaeng alien ang lahat ng bote ng alak sa ref at isa-isa iyong tinungga. Bawat boteng maubos ito’y hinahagis na lang nito at hindi na tinignan kung may matamaan man itong gamit sa kusina.

“Sumosobra na ang alien na ‘to ah.” Nang lapitan ito ni Elmo’y saktong ihahagis nito ang wala nang lamang bote sa gawi niya, buti na lang at nakailag ang binata. Tumama ang bote sa coffee maker. “Sh*t! Paborito iyan ni Hug!”

“Hug?” Nilingon nya ang babae at nagulat sya nang makitang iba na naman ang kulay nito. Mapink-pink ito at basing-basa ang mukha. “Sinong Hug?”

Huminga nang malalim si Elmo at seryosong humarap sa babae. “Hoy miss, hindi ako sure kung ano’ng klase ka pero please, umalis ka na okay? Tama na itong nagawa mo sa kusina, huwag mo nang idamay ang buong bahay ni Hugo, bubugbugin ako nun eh! Alis na!”

“Alis?”

“Oo. Go away. Tsupi. Shoo.”

“Shoo?” Nakakunot-noo ang babae ngunit maya-maya’y napangiti ito at tumawa. At habang tumatawa ito’y nagiiba na naman ang kulay ng mga mata nito na muling ikinatakot ni Elmo. Napaatras sya’t napasandal sa may ref. “Anong salita iyon?”

Nakaramdam na ng inis si Elmo sa babaeng kaharap. “Miss, puwede ba-“

“Julie, hindi miss.”

“Julie, ET, o kahit ano pa pangalan mo. Umalis ka na puwede?! Hindi ka na nakakatuwa. Nagmumukha na ‘kong ewan ditto, at kung hindi ka pa aalis-” napatigil si Elmo nang biglang lumapit sa kanya si Julie. Napakalapit nito sa kanya’t halos magdikit na ang mga mukha nila.

Nakita niyang nagging kulay pink ang mata nito at saka ito ngumiti habang nakatitig sa kanya. “Ugurl..pirii.”

“A-ano?”

“Ang mga mata mo. Maganda.”

“Ano?”

“Ano’ng pangalan mo, tao?”

Napalunok si Elmo nang lalo pang ilapit ni Julie ang mukha nito sa kanya na halos halikan na sya. Nakatitig ito sa mga mata niya na tila ba pinag-aaralan niya ito. “Ah, t-teka nga, lumayo ka nga.” Doon tumayo nang maayos si Julie at maayos na nakatingin sa kanya.

“Tao, pasensya na kung natakot kita. Hindi ko sadya na hindi ka matuwa. Ipinadala ako ng planeta naming dito para sa isang misyon. Sa lugar na ito nila ako ibinagsak at hindi ako makakabalik sa amin hangga’t hindi ko natatapos ang kailangan kong gawin.”

“At ano naman iyon?”

“May isang bagay na kailangan kong malaman, pag-aralan at dalhin sa aming planeta. Pero, hindi ko alam kung saan iyon hahanapin.”

“A-ano nga iyon?”

Saglit na na nag-isip si Julie sabay upo sa may lamesa. “Hindi ko alam kung ano ang tawag nyo doon ditto sa mundo niyo, tao. Pero, may isang bagay akong nalalaman tungkol doon. Maaari mo ba ‘kong tulungang hanapin iyon?”

“Ano? At ako pa talaga aabalahin mo? Sa mga pulis ka humingi ng tulong huwag sa ‘kin, busy ako. Saka puwede ba miss, wala akong panahon sa kung ano mang misyon meron ka rito. Umalis ka na lang sa bahay na ‘to at sa ibang tao ka na lang humingi ng tulong, okay?” At tila nawala na ang takot ni Elmo sa babae at nagaw ana niya itong hawakan at itulak paabas ng bahay. “Umalis ka na.”

“Sandali lang, tao!”

“Ano?”

At bago pa man makapag-react pa si Elmo’y naglanding na sa mga labi niya ang mga labi ni Julie. Nagulat sya’t nanlaki ang mga mata. Malamig ang mga labi nito ngunit mainit ang pakiramdam ng mga akmay nitong nasa mukha niya. Hindi alam ni Elmo kung ano ang nangyari sa kanya’t hindi sya nakagalaw at napapikit pa sa haba ng halik na iyon. Nang kumalas ang babae’y napadilat sya’t napatitig rito, iba na naman ang kulay ng mga mata nito.

“Tao?”

“You kissed me.”

“Kiss. Iyon ang sinasabi ko sa iyo. Alam mo ba kung bakit ginagawa iyon ng mga katulad mong tao? Ano’ng ibig sabihin nun? May kahulugan ba iyon?”

“Ha?!”

“Ilang libro na ang pilit na inintindi n gaming planeta tungkol sa bagay na iyon ngunit hanggang ngayon hindi pa rin naiintindihan. Iyon ang pinunta ko rito, kailangan kong malaman kung ano iyon.”

“Hinalikan mo ‘ko pero hindi mo alam ano ibig sabihin ng halik? Ano bang klase ka?”

“Sabihin mo sa ‘kin, tao, ano bang-“

“Hinahalikan mo ang isang taong mahal mo.”

“Mahal? Mahal, iyong…mataas ang halaga-“

“Hindi iyon. Mahal. Love. Pag-ibig.” At saka napasimangot si Elmo. “Nagiging baduy na mga salita ko sa iyo ah, nakakaasar.”

“Mahal.” At saka napangiti si Julie. “Iyon pala iyon? Tao, tulungan mo ‘ko. Tulungan mo ‘kong hanapin iyong mahal.”

“Hindi mahal ang tawag doon, pagmamahal-“

“Iyon ang hinahanap ko. Tao, iyon ang hinahanap ko!”

Napabuntong-hininga si Elmo at napailing. “At saang lupalop ng planet Earth mo naman kaya iyon hahanapin?”

 

.

.

.

…tbc

It’s You and Me 2 (14.2)

“Good morning, hubb hubb.”

Napangiti si Julie nang mabasa nya ang message ni Elmo. Pagdilat nya’y kaagad nyang tsinek ang cellphone nya’t bumungad ang mensaheng iyon. Nakangiti syang nagreply rito at saka na sya bumangon.

Nag-unat-unat sya ng mga kamay nang bigla syang mapatigil at mapatitig sa naka-display sa harapan nya. It’s her wedding gown. Niyakap nya ang isang pillow sa tabi nya’t nakangiting tinitigan ang wedding gown na iyon. She imagined herself wearing that while walking down the aisle, making her way to the man he loves. Bukas na ang kasal nila ni Elmo at wala na syang nararamdamang anumang takot o pangamba o pagdadalawang isip. Handa na syang ibigay ang buong nyang sarili sa binata, at alam nyang magiging masaya sila habambuhay. Excited na sya sa kasal at sa mga darating na araw na magkasama na sila ni Elmo sa iisang bahay.

Natawa sya sa sarili nang maramdaman nyang pumatak ang mga luha nya. Pinunasan nya ang mukha nya’t saka sya tumayo at tinungo ang bintana. She opened the curtains and felt the wind blew on her face. She closed her eyes and smiled. Her heart is dancing, she feels so happy.

Kinuha nya ang cellphone nya’t nakangiting nag-type ng message. “HUBB HUBB, KUMUSTA TULOG MO? GUSTO KITANG MAKITA KAHIT SAGLIT LANG, DAAN KA DITO SA BAHAY, OKAY? MWAH!”

Pabagsak na ibinaba ni Elmo ang kamay nya matapos mabasa ang text message ni Julie. Huminga sya nang malalim isinandal ang ulo sa headboard. Kumikirot ang ulo niya’t mula pa kagabi’y wala pa syang tulog, wala syang ibang ginawa magdamag kundi isipin si Julie. And everytime he tries to picture her pretty face in his mind, his heart aches. It aches so much.

“Moe?” Napalingon sya sa may pintuan. Hindi niya iyon naisara kagabi. He saw Philip and he let him come in. Humakbang papalapit sa kanya ang ama. “You didn’t sleep.”

Tumayo ang binata at hinarap ang daddy niya. “Dad, you need to help me. You can’t let this happen, I can’t let this happen.”

“Son-“

“Dad, please. Help me.”

“I know and I believe that Margareth’s not telling the truth, alam kong hindi sa iyo ang batang iyon. Pero hindi sya ang kalaban natin dito, it’s her dad. That man has a reputation and he’s very influential. Kaya ka naming tulungan, Moe, kaya ka naming ipagtanggol pero hindi natin alam kung ano’ng kayang gawin ng papa ni Marga. He can hurt you, or worse, he can hurt Julie.”

Dahan-dahang napayuko si Elmo at pagdaka’y napaupo na lang syang muli sa kama niya. “Ano’ng gagawin ko dad?”

“You must let her know.”

 

“What?!” sabay-sabay na sambit nina Gretch, Ella at Liz.

“Girls, girls, huwag nyo munang sasabihin kay Julie, okay? Si Moe dapat ang magsabi-“

“Drew, are you really serious?!” si Liz.

“Hoy Andrew, hindi nakakatawa iyang biro mo ah!” si Liz.

“How did that happen?” Sa tatlong babae’y, si Gretch lang ang medaling nakumbinsi ni Andrew.

“Well, according to that witch Marga, may nangyari daw sa kanila ni Moe during his stay at the resort sa Batangas. Iyong time na sinundan sya ni Julie dun with Eric. Moe got drunk and sabi ni Marga, something happened that night since they were both drunk. And boom! Ayun, ngayon may something na sa tiyan niya.

“Oh my God, that can’t be. I know Elmo, he will never do that!”

“I know Liz, but Marga- God, I really hate that woman! Alam mo naman kung gaano ka-obsessed iyon kay Elmo. At nagkataon pang nagkakatugma iyong lahat. Kung ilang lingo na iyong fetus sa tyan nya ganun din ang linggong lumipas since that incident happened.”

“Paano na si Julie? Paano na ang kasal?” tanong ni Ella.

“Elmo has to be the one who should tell her.” Muling nanlumo ang mukha ni Andrew. “I know how much those two love each other at sa dami na ng pinagdaanan nila they always end up being together, but I’m not sure how will they handle everything this time.”

 

 

Nakatitig lang si Eric sa nakangiting si Marga. “Wala ka bang sasabihin? Won’t you congratulate me?”

“You’re unbelievable, Marga. Why did you have to do that?!”

“It’s for my poor little child, Ric. This thing needs a father and-“

“Ano ba talagang nangyari?”

“What do you mean?”

“Alam kong hindi kay Elmo ang batang iyan-“

“Oh, yeah right. And how can you be so sure?! We were drunk that night, so drunk! I slept in his room, and something happened! Kailangan ko pa bang i-elaborate iyon? Gusto mong malaman ang bawat katititng na detalye kung panao naming pinagsaluhan ang gabing-“

“Shut up, Marga! Bakit ba kailangang umabot sa ganito ang lahat? They’re getting married tomorrow, for Gods’ sake! Wala na bang natitirang kahit katiting na kabutihan dyan sa pagkatao mo?!”

“And what do you want me to do?! Yes, I’m selfish, fine I admit! And I don’t care who’s going to be hurt as long as I won’t be thrown away and disowned by my family, by my dad! I am that selfish, Eric! I am that scared!”

“Kaya wala kang pakialam kung sisirain mo ang mga buhay nila? Akala mo ba, tatanggapin ni Elmo iyang anak mo-“

“It doesn’t matter! He will marry me, I will not be alone, and I will be okay.”

Napailing-iling na lang si Eric habang nakatingin sa dalaga. “Look at yourself, I can’t believe you’re all this. Hindi ikaw ‘to, Marga. I don’t even know you anymore.”

“One day, I think I will be sorry for this Ric, pero ngayon, hindi ko kayang umatras pa. I need Elmo, and I will get him whatever it takes. I’ve done the first step, there’s no turning back..”

“You’re crazy.” Tumalikod si Eric at humakbang palayo.

“Where are you going? You’re going to tell Julie?” Napahinto si Eric at nilingon si Marga. “What I did was actually for you and me. Julie will eventually accept everything and forget Elmo and when the time comes, you can finally be with her. You can help her mend a broken heart. You can show her she can love again and you might that right person. You’ll thank me, one day.”

At sinundan na lang ng tingin ni Eric si Marga habang papalabas ito ng shop niya.

 

“Okay, thank you.”

“Pa?” Napalingon si Paul at ngumiti nang makita si Julie. “Sino po iyong kausap niyo?”

“Oh, si..Philip, ah may napag-usapan lang.”

“Hindi nyo ho ba nakausap si Elmo?”

“Si Elmo? Hindi, bakit?”

“Kanina pa kasi ako nagte-text sa kanya eh, hindi din niya sinasagot iyong mga tawag ko. Pati si Drew and Liz, at pati iyong dalawa kong bestfriend, parang ayaw na rin akong pansinin. Sabi nila they will let me rest the whole day para sa wedding bukas pero,” natawa si Julie. “..naiinip na ko, pa.”

Paul smiled and gave his daughter a hug. “Sila ang nag-aayos ng wedding mo, baka abala lang silang lahat.”

“Pa, huwag kang iiyak bukas ha?”

“I won’t.” Saka seryosong tumingin si Paul sa anak. “Jul, alam kong malaki ka na at alam mo na ang dapat mong gawin. Pero sana, kahit ano’ng mangyayari, huwag mong bibitawan ang taong pinakamamahal mo.”

“Ang weird nyo ngayon, pa. Ano’ng meron?”

Paul faked a smile and shook his head. “Naniniwala ako, na kayo talaga ni Elmo ang para sa isa-t isa.”

 

Nakaupo si Julie sa may swing sa labas ng bahay nila, isa sa mga pinakapaborito niyang tinatambayan. Kumakain sya ng apple at pinagmamasdan ang paglubog ng araw. Sa bahay lang sya nag-stay buong araw at hindi pa rin nagrereply o tumatawag sa kanya si Elmo, maging ang mga kaibigan niya’y hindi rin sya pinupuntahan. Doon dapat matutulog sina Liz, Ella at Gretch ngunit pagabi na’y wala pa rin ang mga ito.

“Nasaan na ba ang mga iyon?”

Tatawagan n asana niya si Ella nang biglang mag-ring ang phone niya. Pangalan ni Eric ang lumitaw sa screen.

“Eric!”

“Hi Julie.”

“Oh kumusta na? si Alice?”

“Eto, nanonood ng TV. Nami-miss ka na daw niya.”

“ako nga rin eh, name-miss na sya. After the wedding baka mga 2 weeks pa ko hindi papasok sa school. Teka, ayos nab a iyong damit niya? Sakto ba? Huwag kayong male-late bukas ha?”

Ang hindi alam ni Julie’y naka-park sa may di kalayuan ang kotse ni Eric at minamasdan sya nito sa malayo, nasa may backseat si Alice at naglalaro sa ipad nito. “Ahm, o-oo naman.”

“Excited na ‘ko makita si Alice bukas.”

“Julie?”

“Hm?”

Gustong sabihin ni Eric ang totoo. Gusto niyang malaman ni Julie ang ginawa ni Marga. Gusto niyang balaan ang dalaga sa mga maaaring mangyari, gusto niyang tulungan si Elmo na ayusin ang lahat. Ngunit sa kabila ng kagustuhang iyo’y may parte ng isip ng puso niya na pumipigil sa kanya. He feels something for Julie and he wants to be with her, he wants to make her happy. Alam niyang masasaktan nang todo si Julie sa oras na malaman na nito ang nangyari ngunit tila hindi niya kayang lapitan ito at sabihin ang totoo.

“Eric? Ano’ng problema?”

“ah, wala. I’ll just call you.”

“Oh, okay.”

“Julie…I’m sorry.”

Napakunot-noo na lang si Julie at napatingin sa phone nya nang hindi nya inaasahang i-end ni Eric ang tawag at hindi man sila nakapag-usap nang matagal. Hindi na rin nya nagawang mapansin ang dumaang kotse lulan ang magkapatid na Eric at Alice.

Napabuntong-hininga si Julie at saka humiga sa swing habang pinagmamasdan pa rin ang pagbibigay-daan ng liwanag sa dilim, ng araw sa buwan. At hindi niya napansing nakaidlip pala sya roon.

 

Napadilat si Julie nang marinig nyang mag-ring ang phone niya. Madilim na sa paligid at wala pa ring dumarating sa bahay nila. Dali-dali nyang sinagot ang tawag.

“Hubb hubb?!”

“Hubb hubb.” Gustong maiyak ni Julie nang sa wakas ay narinig na rin nya ang boses ni Elmo.

“Ano ba’ng nangyari sa iyo?! Bakit ngayon ka lang tumawag?!”

“I’m sorry. Natutulog ka na ba?”

“Hindi pa, hinihintay kaya kita. Nasaan ka ba? Nasa office ka pa ba? Pupuntahan na lang-“

“Andito ako sa labas.”

“Labas?”

Tumayo si Julie at lumapit sa may gate. She saw Elmo, he smiled at her. Dali-dali niyang binuksan ang gate at patakbong lumapit sa binata sabay yakap dito. Elmo held her tight and closed his eyes as he wrapped his arms around the love his life. “Julie, I missed you.”

“Na-miss din kita. Akala ko hindi mo na ‘ko pupuntahan. Hindi kaya kita siputin bukas?!” nagtatampong sambit ni Julie. Nang kumalas na sila sa pagkakayakap nila sa isa’t isa. Elmo’s just smiling while staring at Julie, but in his eyes Julie could see something different. “Hubb hubb, okay ka lang?”

Doon niya napansin ang itim sa ilalim ng mga mata ni Elmo. Mukha itong pagod na walang tulog at ang mga mata nito’y matamlay at tila nanlulumo. She touched his face with her hands and she looked at him with worried eyes. “May sakit ka ba? Bakit ganyan ang mga mata mo?” Elmo didn’t say anything and he just kept smiling and staring. “Magalona, tinatanong kita. Huwag mo muna nga ako ngitian! Ano’ng nangyari sa iyo?”

Then Elmo held her hands with his and he closed his eyes as he kissed her knuckles. His lips were on her hands for a long time and then when he looked back at her again, the smile was still there but this time tears are already forming in the corners of his eyes.

“Moe?” sambit ni Julie.

“Julie.” Halos ibulong na lang nya ang pangalan ni Julie. “Julie, I’m so sorry.” And then he wasn’t able to hold his tears and the hurt anymore. He looked down and started crying while he’s still holding her hands. “I’m sorry.”

Walang ideya si Julie kung bakit nagkakaganon si Elmo. Gusto niyang magtanong pero habang pinagmamasdan niyang umiiyak ang binata’y walang salitang makalabas sa bibig niya. “M-moe..”

Elmo kept on crying but when he tried to meet Julie’s eyes, he tried to be composed again even though he’s still sobbing. “I love you and I will always love you. Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko, ikaw lang Julie.”

“Moe, ano bang nangyayari-“

“Marga’s pregnant.” Doon na natigilan si Julie at nakadama nang masamang kutob. “Sinabi niya sa papa niya na anak ko ang dinadala niya. It’s not mine, Jul, maniwala ka. But Marga…she’s..-Se wants me to marry her. And I..I can’t-” nayuko at umiling na lang ang binata’t hindi na nagawang matapos ang sasabihin.

Hindi na napansin ni Julie na nakalimutan na nyang kumurap habang nakatitig sya kay Elmo. Dahan-dahan niyang binawi ang mga kamay niya kay Elmo and she suddenly stepped back. Elmo started to cry again after he saw how Julie seemed devastated. “Julie-“ nang lapitan niya ito’y mabilis na umatras palayo si Julie. And when he saw her tears, his heart broke into million pieces.

Nasa ganoong ayos sila nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Julie’s still standing there, with no reaction, with no expression on her face. Elmo moved closer to her and hugged her and he was still crying. “Julie. Julie.”

At si Julie na ang unang kumalas sa kanilang dalawa. She turned around, went in and closed the gate just before Elmo could follow her inside. “Julie, please say something. Please!”

“Alis.” Sambit ni Julie.

“Julie, tayong dalawa lang diba? Walang bibitaw, diba? Tulungan mo ‘ko, tulungan mo ‘ko.” Julie turned around and started walking away, papunta sa loob ng bahay. “Julie, please!” sigaw ni Elmo. “Huwag mo ‘kong bibitawan, please! Ayokong magpakasal kay Marga! Kaya nating dalawa ‘to, please Julie! Let’s leave! Let’s runaway! Please, Julie! Julie!”

Mabilis na isinara ni Julie and pinto pagpasok nya sa loob. And soon as she got inside, she finally broke down. Napaupo sya sa sahig, napasandal sa pinto at saka umiyak nang umiyak. Niyakap nya ang sarili nya’t umiyak na lang sya.

And from the window of his room, Paul saw how Elmo fell on his knees and cried with the sky.

Liz is standing by the window, watching the heavy rains outside. Nilapitan sya ni Andrew at pati ito’y pinanood na rin ang ulan. “Tito Paul has called. Elmo has told Julie.” And he paused for a while as he took a deep sigh. “There will be no wedding tomorrow.”

 

 

…tbc

julielmoftw:

(c) maxx

“tatlo para ‘i love you’” - Elmo Magalona


tatlong tv shows
- andres de saya
- daldalita
- together forever
tatlong musical
- red mask
- wazak
- it’s complicated
tatlong concerts ni julie na guest si elmo..

tatlong taong puno ng saya at kilig :)

salamat JuliElmo!
salamat Party Pilipinas! :)

RedMask medley @ PP take a bow - http://www.youtube.com/watch?v=eL7C-kpH8Wo

JuliElmoftw signing out :)

Mismatched 5: Fangirl (2)

“Nervous guys?”

“Whew!” sambit ni Zach. “Halata ba kuya?” tanong nito kay Edgar, ang manager nila.

“Napupuno na ang venue, congratulatons sa inyo. Goodluck Muppets!”

“Moe!” napalingon sila nang may biglang dumating na babaeng kamukhang-kamukha ni Elmo.

“Hi, Mai!” bati ni Ark. Hindi sya pinansin nito’t si Elmo ang hinarap.

“Where’s Nina?”

“Di sya makakapunta.”

“What?! But why?!”

“It’s fine, may valid reason naman sya eh.”

“But Moe, she can’t miss this concert! You’ll be singing the song you wrote for her!”

“Ah Mai, sa next concert na lang namin iyon tutugtugin, pag andyan na si Nina.” Singit ni Timmy.

“You know what, your girlfriend’s starting to be annoying na ha? Ilang concerts nyo na ang nami-miss nya.”

“Mai, that’s okay. I’m sure, sa susunod makakapunta na sya.”

“Whatever. Teka, hindi pa ba magi-start? Everyone’s inside na! what are you guys waiting for?!” Natawa si Edgar sa kakamabal ni Elmo.

“Don’t worry, Elma, eto na nga aakyat na sila ng stage.”

“I hate you! Don’t you dare call me Elma again!” at padabog itong lumabas ng dressing room.

“Tol, ang cute talaga nung kambal mo na iyon.” Sambit ni Ark. Nagtaas naman ng kilay si Elmo.

“Oy, layuan mo si Mai ah.”

“Naku-kyutan lang naman eh, layuan na agad? Grabe ka naman.”

“Hello?! Hello ma!” sigaw ni Julie habang kausap ang mama nya sa cellphone. “Ma, hindi kita marinig! Nasa concert nap o ako, tawagan na lang kita mamaya ha?! Bye ma!” Ibinulsa nya ang phone nya’t saka muling bumaling sa stage kung saan patay pa rin ang ilaw. “Ang tagal naman! Ilabas nyo na ang Muppets!” sigaw nya.

Hindi na rin mapakali ang mga nanonood at nagsisigawan na ang mga ito. “Muppets, we love you!”

“I love you, Zach!” ang guwapong gitarista ng banda.

“Ark, marry me please!” sigaw naman ng isa. Si ark ang lead guitarist and ang second vocalist.

“Timmy, ang guwapo mo!”

“Come out, Chace! Come out!” Si Timmy ang drummer at si Chace naman ang keyboardist.

“Grabe naman ‘tong mga babaeng ‘to, wala pa nga sigaw na ng sigaw.” Inis na sambit ni Julie.

“Elmo! Elmo! Elmo!” Saka nya narinig ang isang grupo ng mga fangirls na sinisigaw ang pangalan ng lead vocalist ng banda. Inis na tumingin sa kanila si Julie.

“Mga papansin naman ‘tong mga ‘to! Ano bang-“ napatigil sya bigla nang nagsimula nang mag-countdown para sa start ng concert. Pagdating sa ‘zero’ ay sabay na bumukas na ang mga ilaw sa stage at tumututok na ang spotlight sa banda, and Muppets.

“Oh my goooooosh! Elmooooooo!!!!” sigaw ni Julie.

“Good evening guys!” sigaw ni Elmo at sumunod doon ang nakakabinging sigawan ng mga fans. At saka na nila kinanta ang pinakaunang song nila para sa gabing iyon, ang hit single nila na For Tonight.

Isa si Julie sa mga nakikanta at nakisigaw sa mga audience at walang ibang nakikita ang mga mata nya kundi si Elmo lang na napakaguwapo at napakaganda ng boses. Inilabas nya ang camera nya’t hindi pinalagpas ang pagkakataong iyon. Nirecord din nya ang lahat ng song numbers ng banda.

Hindi maipaliwanag ni Julie ang saya nya’t excitement habang nanonood lalo na’t nsa may bandang harapan sya. Kitang-kita nya si Elmo at tila lumulutang sya sa tuwing napapatingin ang binata sa may gawi nya.

“This next song is kind of special for me and for the whole band. When we were at Bohol, siguro mga couple of months ago iyon, we met an old man. He was the one who gave us the right to make a version of this song. The story is kinda like this, uhm there was a guy who was in love with a girl and he never got the chance to tell her what he really felt for her. And then the girl died, and the guy found out na the girl felt the same way pala, hindi lang din nagsabi. The guy was diagnosed with Alzheimer’s disease few yrs after the girl died and because of the fear of forgetting her, the guy decided to write a song and asked a friend to sing and record it for him and make him hear it every now and then, so he will always remember his first love. And that old man who told that story to us, sya iyong kaibigan nung lalaki na nagsulat ng kantang ‘to. Sabi nya, before his friend died, he sang this song to him for the very last time, his friend loved that girl until the very end. So, we’re very honored and happy to have the privilege to sing this song for you guys. I’m sure you will love it as much as we do.”

Elmo smiled and then Chace started playing the keyboard. “This song is called Forever.”

Nanlaki ang mga mata ni Julie nang umupo si Elmo sa may edge ng stage sa mismong harapan nya. Tila nananigas ang buo nyang katawan at hindi na rin nya napansing hindi na sya kumurap simula nang simulan ni Elmo ang kanta.

“What if I told you how I really feel,

What if I took a chance

Would you look at me, and give me that smile

Would you be taking my hand?

What if I asked you if it’s okay,

For me to kiss and hold you this way

Would you say yes and hold me so tight

Would be stay by my side?

At lalong bumilis ang tibok ng puso ni Julie nang sa kanya bumaling si Elmo bago nito kantahin ang korus ng kanta at sya lang ang tinignan nito.

Girl I should’ve told you what’s inside my heart

I should’ve told you right from the start

That girl I have loved you for all of my life

But now you’re gone, girl you’re gone

And I will remember you, I promise you

I will remember, forever remember you.

Julie felt her heart just melted when Elmo smiled at her. Hindi nya alam kung maiiyak sya o hihimatayin sa mga pagkakataong iyon.

Naging matagumpay ang concert at walang lumabas sa venue na hindi nag-enjoy. At sa lahat ng mga nanood ay si Julie ang may pinakamalaki at pinakamabigat na hang-over. Hanggang sa makalabas sya’y hawak nya ang dibdib nya’t ramdam pa rin ang mabilis na pagtibok ng puso niya.

“Elmo, ano bang ginagwa mo sa ‘kin?!” tanong nya sa sarili.

Nanumbalik lang sya sa sarili nya nang biglang mag-vibrate ang cellphone nya sa bulsa nya. “hello, ma?”

“Julie Anne, asan ka na ba? Hindi pa ba tapos ang concert?!”

“Ah, tapos na po, ma! Nagaabang na ‘ko ng taxi.”

“O sige, bilisan mo ha? Gabi na. ingat ka.”

“Opo, ma.”

Medyo natagalan sya sa pagtawag ng taxi dahil sa dami ng taong nagaabang at sumasakay. Palayao na ang taxi na nasakyan nya nang may bigla syang naalala. “Naku! Nasan iyong camera ko?!” Kinalakal nya ang bag nya ngunit wala doon ang camera. “Naku! Mama! Balik ho tayo, naiwan iyong camera ko!”

Patakbong bumalik sa loob ng pinaganapan ng concert si Julie at nadatnan nyang naglilinis na ang mga staff doon. Alam nyang hindi na sya papapasukin sa may main entrance kaya’t gumawa sya ng paraan at naghanap ng ibang way.  May nakita syang isang crew ID na nakasabit sa may gilid ng back door at dali niya iyong sinuot. Binaliktad nya ang ID para hindi sya mahuli.

Nakapasok sya sa loob at dali-daling tumungo sa may lugar nya kanina para hanapin ang camera nya. “Naku, bakit wala dito?!! Nasan na iyon?!” Naiiyak na sya habang naghahanap. Nagsisialisan na ang mga staf na naglilinis ngunit sya’y naroon pa rin. Hanggang sa may likod ay naghahanap sya’t gumagapang pa sya sa may ilalim ng mga upuan.

Abala sya sa paghahanap at hindi napansin ang isang binatang umakyat ng stage at umupo sa may gitna. Nasa paghahanap ng camera ang buong atensyon ni Julie nang bigla syang may narinig na tumugtog ng gitar. Napaangat sya ng ulo at sumakto ito sa upuan kaya’t nauntog pa sya.

“Araaay!” Pagtayo nya’y hawak pa nya ang ulo nya’t natigilan sya nang matanawa kung sino ang nasa stage at nagigitara. “OMG.” Bulong nya.

“We are perfect, you and me

Someday I’ll ask you, to marry me

I hope you don’t mind, if I’ll sing you this lines

Still looking for the right words to say,

That I love you, I love you

I love you more than you’ll ever know

I miss you, all the time girl

Please stay with me, now and forever

I will always love you girl

I’ll stand by-” biglang napatigil si Elmo nang matanaw nya ang isang babaeng nakatayo sa may gitna ng aisle at nakatingin sa kanya. May suot itong ID kaya’t naisip nyang isa ito sa mga staff ng venue. Ngumiti sya rito.

“May tao pa pala rito.”

“Huh?” At saka napagtanto ni Julie na may suot syang ID. Kaagad nya iyong inalis.

“Wait a second, parang…familiar ka.” Sambit ni Elmo.

“A-ako?”

Tumayo si Elmo at bumaba ng stage. Nilapitan nito si Julie, at ang huli nama’y tuluyan nang napako sa kinatatayuan. Then Elmo smiled and slightly laughed. “Ikaw nga.”

“Ki-kilala mo ‘ko?”

“Ikaw iyong nakahulog ng ticket dun sa store, iyong nagtago sa mga damit. Ikaw din iyong pumasok sa backstage nung nagconcert kami sa MEU, at iyong lagging nagti-tweet sa ‘kin. Ahm…My…My, ano iyon?”

“MyJaps.”

“Ayun, MyJaps.”

TOTOO BA ‘TO?! KILALA NGA NYA KO. NAAALALA NIYA AKO! WAAAAAAAAH! Sigaw ni Julie sa isip nya. “Ah, o-oo, ako nga iyon. Ahm, natatandaan mo pala ako.”

“Well, I’m good with faces and names, ahm slight.” Nakangiti lang si Julie. “Ano nga palang ginagawa mo rito? Hindi ka ba nakapanood ng concert?”

“Ha? Nanood ako! Nasa harap pa nga ako eh.”

“Talaga? Did you like it?”

“Oo naman! Ang galing-galing mo ah este nyo, super.” At nag-thumbs up pa sya.

“Thanks. But, why are you still here?”

“Ah, kasi…iyong camera ko kasi eh. Nahulog, hinahanap ko.”

“Nakita mo na?”

“Hindi pa eh.”

“Sa dami ng tao kanina, kung hindi pa iyong natapakan at nasira, baka may pumulot na nun. Palitan mo na lang-“

“Hindi puwede!” biglang sagot ni Julie na ikinagulat ni Elmo.

Natawa ang binata sa reaksyon ni Julie. “Sorry, relax lang. Eh baka hindi mo na mahanap iyon eh.”

Sumimangot si Julie at nakalimutang ang nasa harapan nya’y ang ultimate crush nya. “Hindi puwedeng hindi ko iyon mahanap, ang dami kayang naka-save dun! Lahat ng pictures mo sa mga concerts and gigs nyo andun-“ Napatigil sya’t biglang nahiya kay Elmo. Napaiwas sya ng tingin nang nasigurado nyang namula sya.

Napangiti si Elmo. “So lagi ka pala talagang nanonood ng concerts namin.”

“Oo naman. Meron ako lahat ng album nyo, pati posters kumpleto kaya koleksyon ko. Pati giveaways, meron ako lahat! And take note ah, original binibili ko! Iyong mga limited edition nga na mugs nyo meron ako eh kaya lang…iyong mga mug na may mukha mo unang naubos kaya iyong sa iyo lang ang wala ako.” Lalong natuwa si Elmo sa kanya at narerealize na lang ni Julie na masyado na syang nagiging madaldal pagkatapos nyang dumaldal.

“Salamat. We really appreciate that. So, hanggang mamaya dito ka?”

“Kailangan kong mahanap iyong cam ko eh.”

“Well, magpatulong tayo sa mga staff-“

“Naku, huwag! Pumasok ako dito na hindi nila alam baka palabasin ako.”

“Don’t worry, ako bahala.”

Nakaupo sin Elmo at Julie sa may hagdanan ng stage habang may tatlong staff na umiikot sa buong venue para hanapin ang camera ni Julie. Pakiramdam tuloy nya’y puwede na talaga syang mamatay pagkatapos nun.

“Uhm, puwedeng magtanong Elmo?”

“Sure, ano iyon?”

“Iyong…kinanta mo kanina, bagong single nyo ba iyon? Kanina ko lang kasi narinig.”

“Ahh, uhm..well, yeah, plano naming isali sa next album namin.”

“Ikaw nagsulat?”

“Yup.”

“Ang ganda.”

“Really? Thanks! Sana magustuhan din ng taong pinaglalaanan ko ng kanta na iyon.”

“Sinulat mo iyon para sa isang tao?”

“Yeah. For my girlfriend.” Biglang nawala ang masigla at masayang ekspresyon sa mukha ni Julie.

“G-girlfriend? May girlfriend ka?”

“Sikreto lang natin iyon, okay?” At saka sya kinindatan nito. Dahan-dahang umiwas ng tingin si Julie at malungkot na tumitig sa sahig.

MAY GIRLFRIEND NA ANG ELMO KO?! SINO?! OH HINDE! BAKIT MAY GIRLFRIEND SYA? PA’NO NA KO?!

“Sir, nakita ko na ho!” Napatayo silang dalawa nang iabot ng isang crew ang isang nagasgas na camera. “Naku, salamat kuya! Ito nga iyon!”

“Thank you po,” sambit ni Elmo.

“Elmo, salamat ha?”

“Oh ayan, makakatulog ka na nang mahimbing. Na sa iyo na ulit mga pictures ko.” Panunukso ni Elmo. Nahihiyang ngumiti si Julie.

“Thank you ulit. Alam mo, naniniwala ako na sobrang mabait mo at napatunayan ko na totoo nga iyon. Kyaa mahal na mahal ka ng mga fans mo eh.” LALO NA AKO.

“Well, may topak din ako minsan pero when it comes to my fans, nawawala lahat ng masamang ugali ko.” Nagtawanan sila.

“Ahm, pa-picture naman tayo oh.”

“Sure!” Kinilig at nakiliti si Julie nang dikitan sya ni Elmo nang kunan sila ng litrato ng tumulong na crew sa kanila. Pumayag si Elmo sa dalwang shots, at nag-wacky pose pa ito sa isa. At sobrang saya ni Julie dahil pinirmahan pa ni Elmo ang camera nya.

“Tahnk you ulit nang sobra, Elmo. Aabangan ko next gig nyo.”

“You’re welcome. And thank you rin.” Palakad na palayo si Julie nang, “By the way,” nilingon nya ulit ito. “Ano’ng pangalan mo?”

“Julie Anne.” Elmo nodded and smiled at her.

“Nice meeting you, Julie Anne.”

 

Hindi alam ni Julie kung gaano na sya katagal nakangiti habang tinititigan nya ang litrato nila ni Elmo sa screen ng laptop niya. Hindi lang ito guwapo at talented, napakabait pa. Ngunit bigla nyang naalala ang sikretong ibinahagi nito sa kanya at saka sya nanlumo.

“Sino kaya iyong girlfriend nya? Matagal na kaya sila? Hay Julie, bakit kasi ipinanganak kang fan lang at hindi girlfriend ng lalaking ‘to?” Nag-sign in sya sa twitter at unang tinignan ang twitter page ni Elmo. Ang mga recent tweets nito’y tungkol sa naging successful concert nila.

Tinitigan lang nya ang DP ng binata nang biglang may pumasok na bagong tweet:

@SuperElmo: I’ve met a very nice girl earlier. Thanks to her lost camera.  Hope you’ll keep our secret. ;)

Napaawang ng bibig si Julie at maya-maya’y, “Aaaaaaaaaaaaahhhhh!!!!” tili niya. “Oh my gosh! Oh my gosh! Aaaaaaaaah!!!”

Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto nya’t pumasok ang mama niya. “Hoy, Julie Anne! Ano bang sinisigaw mo dyan?! Nambubulabog ka ba ng kapitbahay?!”

“Mamaaa! Tignan mo, ma, bilis! Tignan mo iyong tweet ni Elmo!”

“Oh, anong sabi?!”

“Ako yan, ma! Ako iyang tinutukoy nya! Aaaaaah! Kinikilig ako, ma! OMG!”

“Hay naku, akala ko kung anon a. Matulog ka na ngang bata ka.”

Tinitigan ulit ni Julie ang tweet na iyon ni Elmo. “Sige, pinapatawad na kita dahil may girlfriend ka na. Nakabawi ka na, Elmo. Bawing-bawi na.” At nagpagulong-gulong sya sa kama habang kinikilig.

“Who’s that girl?” tanong ni Maimai, ang kakambal ni Elmo. Nilapitan nya ang kapatid habang nagpapahangin sa may garden.

“Who?”

“The one who lost a camera? I saw your tweet.”

“Ah. A fan.” Nakangiting sagot ni Elmo.

“Wow, for sure gumugulong na iyon sa kilig ngayon. You actually tweeted something about her.”

“She’s worth that tweet, nakakatuwa kasi sya eh. Very transparent and funny.”

“What’s her name?”

“Julie Anne.”

“Wow, and you actually know her name! You’re such a sweetheart, Moe. Hindi kaya magselos si Nina nyan.”

“She won’t, ano ka ba.”

“Are you two still okay?”

“Yeah. Why?”

“Wala lang. lately kasi parang…oh, nevermind.”

“You never liked her for me.”

“Hindi naman ah, I like her but…I just don’t think you two fit perfectly together. But she’s fine with me naman. And what can I do if you really like her, right?”

“I love her.”

“Right. Makatulog ka na nga. By the way brother, I realy liked the song you sang kanina sa concert, iyong may heartwarming back story. I almost cried.”

Elmo smiled. “I like that song, too.”

“You’ve written so many songs kelan ka kaya susulat ng kanta for me?” Sumimangot si Maimai at saka na ito tumalikod at umalis. Natawa na lang si Elmo at tinitigan ang langit.

He missed Nina so much pero hindi na nya ito tinawagan after ng concert dahil alam nya kung anong oras ito natutulog. Lately, madalang na lang sila magkita kaya’t lagi nya itong hinahanap at iniisip. Kinuha nya ang phone nya’t nag-log in sa twitter.

@SuperElmo: Thinkin’ about you.

Pa-sign out na sya nang naisipan nyang mag-check ng mentions nya. As expected, baha na naman ang mentions nya’t walang tigil ang mga fans sa kaka-tweet sa kanya. Sa kaka-check nya’y may nakita syang familiar na UN. Binasa nya iyon at knlick para ma-view ang tnweet nitong photo.

@MyJaps: @SuperElmo and I pic.twitter.com/hgyt//hwy, thank you Elmo. :)

image

Napangiti si Elmo habang pinagmamasdan ang picture nila ni Julie. He did find her funny and very nice, and he thinks he will definitely remember her kapag nagkita sila ulit.

At habang tulog ang dalaga, hindi nito nakita ang pag-follow sa kanya sa twitter ng isang isang sikat na band vocalist.

 

****************

 

…tbc

Lego House (one-shot)

“Can’t sleep?”

She turned to her right and saw him, the good-looking guy next door. He’s wearing a pair of blue pajamas and holding a guitar. He sat on the curb, three feet away from her. She looked away and took a deep sigh; the guy did the same thing.

“Ayoko na.” Nilingon sya ng binata. She shook her head and said, “Ayoko na.” again.

“You don’t seem okay.”

“Because I’m not.”

“You’re too pretty to be a ‘damsel in distress.’”

“Huwag ka ngang oa.”

“Ang laki-laki ng problema mo, araw-araw ka na lang na ganyan. You have a knight in shining armor next door, hindi mo naman pinapansin.” Nilingon nya ang binata at nahuli itong nakatingin sa kanya. Napangiti sya’t saka din umiwas ng tingin.

“Ano namang magagawa mo para…mapagaan ang loob ko?”

“Really? Did you seriously ask that question?” natatawang tanong ng binata. He stood up, picked up his guitar and walked to the middle of the road, facing her. “I will do everything.”

“Yeah right. I forgot you’re Superman.”

“Superman can’t do everything.”

Natawa si Julie. She stretched her legs while still sitting on the curb. “Ang yabang mo pa rin.”

“Ang sama mo pa rin.” Nawala ang ngiti ni Julie at napatitig kay Elmo. The guy smiled. “What do you want me to do?”

“Why would I ask you to do something?”

Elmo took a deep breath. “Because I miss it.  More than anything in the world?”

Julie sarcastically laughed. “You.” And then she shook her head.

“Anong nangyari? What did he do to you?” biglang naging seryoso ang usapan. “What did he do this time?”

“Nothing.”

“Liar.”

“Go to bed, Superman.”

“He’s hurting you…all the time, it’s obvious. Kapitbahay mo ‘ko, miss, at alam ko lahat, kahit hindi ka nagsasabi. Ano, upakan ko na?”

“It’s not just him, kaming dalawa ang may problema. I just don’t know how to deal with…everything.”

“Let me guess, he thinks you’re a childish, control-freak, insecure, emotional, selfish  girlfriend who doesn’t still know how to be a good girlfriend.”

Julie narrowed her eyes. “You’re so rude.”

“At least ako…mahal ka. Eh sya?” Julie rolled her eyes and then she’s about to stand up when, “Hep, hep, san ka pupunta? Stay there.”

“Inaantok na ‘ko.”

“Ayaw mo lang akong kausapin.”

“Oops, halata ba?”

Elmo laughed and then he smiled at her. “Mom and I were talking earlier, she wants me to go with her sa States, para magbakasyon lang naman. I told her I don’t want to leave. She cried.”

“What?!”

“Ever since she and dad decided to break up, she became abnormally emotional, di ko maintindihan. Na-guilty tuloy ako.”

“bakit hindi mo na lang kasi sya samahan. Maybe she misses your dad and she hates it so she wants to go somewhere, where she couldn’t think about him. Hahayaan mo ba syang umalis nang mag-isa?”

“Hindi naman nya kailangang umalis eh.”

“How did you know? Alam mo ikaw, lagi ka na lang ganyan. Akala mo alam mo lahat, you don’t even consider other people’s feelings. Sometimes going away is necessary.”

“I get that, honestly. Pero what’s the point of going away if the place where you could only have yourself back is right where you lost it?” Hindi kumibo si Julie at napatitig lang kay Elmo. “Iyong pag-alis pagtakas lang iyon, pag-iwas. Pagbalik mo, andun pa din iyong sakit, andun pa din iyong lahat ng bagay na sinubukan mong itapon, kalimutan. What she needs to do is to face and accept everything at pagkatapos nun, dun sya umalis. At least in that case, alam mong pagbalik mo, kaya mo nang magsimula ulit. Kesa iyong iiwan mong hindi ayos ang lahat.”

Matagal na nakatitig si Julie kay Elmo. “Kaya ba hindi mo ‘ko maiwan?”

“Our situation’s different, Julie.”

“Different?”

“Yeah. Ikaw lang naman ang sumuko eh, not both of us.”

“Kaya araw-araw mong ipinapakita at ipinaparamdam sa ‘kin ang ginawa ko sa iyo. You want to make me feel guilty every day.”

“That’s not true.”

“That’s what you’re doing.”

“Iba ang ‘bitter’ sa ‘in love’ pa rin.”

Natawa si Julie at saka umiling. “You’re still in love with me.”

“Ngayon mo lang napansin?”

“I’m childish, control-freak, insecure, emotional, selfish, and a heartbreaker.”

“You are.”

“I broke your heart.”

“You did.”

“And yet-“

“I still want you back.” Diretsong sagot ni Elmo.

“Do you realize what’s wrong with you?”

“I’m totally aware of that, to be honest.” Saka umuwi nang naka-indian sit si Elmo sa gitna ng daan, sa harap ni Julie. “But I don’t think that’s something I should worry about. Being in love with someone isn’t something you shouldn’t be worry about.”

“But with someone who has hurt you and left you so many times? Someone who’s already with somebody else?”

“Hindi naman ako naghihintay na mainlove ka ulit sa ‘kin eh. I understand that people change and so do feelings and there are things that we can never do something about, gets ko iyon. But I’m not on that part yet when I finally want to take away my heart from you. You’re my best friend; I’ve loved you all my life. This thing that I still have for you isn’t something I could just throw away that easily. Not yet.”

“You never fail to make me feel guilty, you know?”

“I don’t mean to do that.”

Bumuntong-hininga si Julie. “I broke up with him.”

“I know. I heard you two fighting the other day.”

“Bakit ganon? Wala naman akong ginawa kundi gawin iyong best ko when it comes to my relationships pero bakit parang ako na lang lagi iyong lumilitaw na masama? Ako iyong nakikipaghiawalay pero ako din iyong mas nasasaktan sa ginawa ko. I’m trying so hard to keep myself together but I always end up breaking my own heart. Ano ba talaga problema sa ‘kin?”

“Sigurado ka bang sa ‘kin mo iyan tinatanong?”

“Seryoso ako, Moe.”

“Ako rin naman. Ang problema sa iyo, you do not know what you really want tapos papasok ka sa isang bagay na hindi ka handa. You always think that you can fix everything, even other people but you don’t realize you don’t have to do that. You overanalyze things, masyado kang maraming inaalala, iniisip, you’re being too idealistic. And you’re always scared. You don’t completely trust the people around you. At hanap ka ng hanap ng mga bagay na hindi mo alama na sa iyo na pala. You find it hard to be happy kasi pakiramdam mo lagging may kulang. Jul, lagi naman talagang may kulang eh but if you would just know how to appreciate everything that you have, iyong mga kulang na iyon hindi mo na mapapansin, hindi mo na hahanapin. I don’t blame you for being like that because of what happened to your parents, to your sisters, but you don’t have to put yourself on the same situation they’ve been through. You don’t have to be that scared.”

Hindi nakakibo si Julie at napababa na lang ito ng tingin. Matagal din syang nanahimik nang muli nyang tinignan si Elmo. “after you’ve said all those things, why are you still here? You just made me feel like I’m not worth it.”

“Sinabi ko lang naman ang totoo para malaman mo. You’re always worth it for me.”

“I hate you.”

“I know.” And Elmo smiled.

“Samahan mo na mommy mong magbakasyon. Siguro nga tama ka sa mga sinabi mo kanina pero kailangan din nya ng panahon. She’s a strong woman, I’m sure pagbalik nya, kaya na nya.”

“Do you want to go with us?”

Natawa si Julie. “Huwag na, baka hindi mo na ako iuwi eh.”

“Tss. Ano’ng akala mo sa ‘kin, itatanan kita?” Ngumiti lang si Julie. “What are you smiling about?”

“Narealize ko lang, all this time, ikaw na lagi andyan.”

“Nagi-guilty ka na naman.” Hindi sumagot si Julie. “Well, you still have the biggest part of my heart so, staying away isn’t really that easy to do yet. Siguro kung may darating na taong mas hihigit sa iyo, that’s the time I can finally let go, you know.”

Napakunot-noo si Julie. “Akala ko ba you still want me back?”

“Why, will you come back to me?” Julie didn’t answer and she just stared at him. “alam mo, okay lang kung sa bandang huli hindi talaga tayo pero sa ngayon, ikaw pa rin ang mahal ko eh. Yes, I want you back but I can’t just ask you to come back to me, can I? And this is weird but, ever since we broke up, I felt more protective of you, alam mo iyon? Especially when I started seeing you having failed relationships, I see you hurting, broken, sad. Kaya nga, unintentionally, I made myself a promise. Na hangga’t hindi pa dumarating sa buhay mo iyong tamang tao na magmamahal sa iyo sa paraang gusto mo, hindi muna kita iiwan.  At kung hindi pa talaga susulpot iyong tamang tao na iyon, I think that’s the time I would ask you to come back to me. Kasi baka after all this time, ako pala iyong tamang tao para sa iyo.”

“Promise?”

“See? You still want me around.” Julie rolled her eyes and laughed. Elmo smiled at her.

“I promise.”

And after they said goodnight, Elmo sang a song for Julie, making her believe that he will keep his promise whatever it takes.

I’m gonna pick up the pieces,
And build a Lego house
If things go wrong we can knock it down
My three words have two meanings,
There’s one thing on my mind
It’s all for you
And it’s dark in a cold December, but I’ve got you to keep me warm
If you’re broken I will mend you and I’ll keep you sheltered from the storm that’s raging on now
I’m out of touch, I’m out of love
I’ll pick you up when you’re getting down
And out of all these things I’ve done I think I love you better now
I’m out of sight, I’m out of mind
I’ll do it all for you in time
And out of all these things I’ve done I think I love you better now
I’m gonna paint you by numbers
And color you in
If things go right we can frame it and put you on a wall
And it’s so hard to say it but I’ve been here before
Now I’ll surrender up my heart
And swap it for yours
I’m out of touch, I’m out of love
I’ll pick you up when you’re getting down
And out of all these things I’ve done I think I love you better now
I’m out of sight, I’m out of mind
I’ll do it all for you in time
And out of all these things I’ve done I think I love you better now
Don’t hold me down
I think my braces are breaking, and it’s more than I can take
And it’s dark in a cold December, but I’ve got you to keep me warm
If you’re broken I will mend you and I’ll keep you sheltered from the storm that’s raging on now
I’m out of touch, I’m out of love
I’ll pick you up when you’re getting down
And out of all these things I’ve done I think I love you better now
I’m out of sight, I’m out of mind
I’ll do it all for you in time
And out of all these things I’ve done I think I love you better now
I’m out of touch, I’m out of love
I’ll pick you up when you’re getting down
And out of all these things I’ve done I will love you better now
I’m out of sight, I’m out of mind
I’ll do it all for you in time
And out of all these things I’ve done I think I love you better now
I’m out of touch, I’m out of love
I’ll pick you up when you’re getting down
And out of all these things I’ve done I will love you better now

 

 

 

 

**************

MATCHED 1: E.T. and Me (intro)

image

******************

ET and Me (1)

 

“You’re not coming?”

Elmo stared blankly at Hugo, his manager. “Nope.”

“The first shooting day for your debut film will start on Friday, ano pa bang gagawin mo rito? You’ve been staying here for how many days now, four? Five? It’s  time to go back!”

“I need more time, Hug.”

“More time for what?”

“For myself.” Sagot ng binata sabay tayo mula kinaupuang couch. “Pinayagan mo nga ‘kong magbaksyon rito pero ano bang ginagawa ko rito araw-araw? Reding scripts, torturing myself with diet, dealing with obsessed fans. Sana man lang dinala mo ‘ko sa mas payapang lugar, ngayon lang naman ako nagrequest ng bakasyon eh.”

“Moe, you’re a famous model and now you’re starting to make a name in the showbusiness, ganyan talaga. I’m sure you already had an idea on what kind of kind you entered when you signed that contract. You have fans in every corner of this country, hindi mo sila masisisi kung nasusundan ka nila kahit saan. You chose fame and fortune over the simple life you’ve always had since you were a kid, you left your family.  This is the price you have to pay.”

Hindi sumagot si Elmo at nagtungo lang sa may bintana para lumanghap ng sariwang hangin. Hugo, who’s ten years older than Elmo, stood up and picked up the car key from the coffee table. “Fine, I’ll give you two more days. Pero I’m expecting you to come on time sa set sa Friday na kabisado na ang script mo, okay?”

“Don’t worry, kahit naming reklamador ako never pa naman akong naging unprofessional.” Sagot ni Moe.

“I’ll call you later kung may updates. Aalis na ko.” Tumango na lang ang binata at sinundan ng tingin ang umalis na si Hugo, na itinuring na nyang kuya nya simula nang maging manager nya ito 5 years ago.

Isang simpleng binata si Elmo na lumaki sa probinsya nang madiscover sya ni Hugo sa isang college party. Kinuha nya itong talent and he became one of the most popular ang most in demand fashion models in the country, at isa rin syang modelo ng limang sikat na international brands ng iba’t ibang produkto. He left his home, his family and his old life to go to the city with Hugo and embraced his new world, at nang alukin syang umarte ay pumayag agad sya. He’s been starred in a couple of TV series and played supporting roles in some movies at ngayon nga’y uumpisahan nang i-shoot ang debut movie nya kasama ang nila-loveteam sa kanyang si Jasmine Davis, isang sikat na young actress na half-Filipan, half-australian.

Malaki ang naging pagbabago sa buhay ni Elmo simula nang mag-modelo sya, lalo na when it comes to money. He was able to buy a new house, a condo and he has four cars right now and he also owns a couple of businesses just in case na mawala na sya sa entertainment business. Madalang na lang syang umuwi sa pamilya nya at madalang lang din kung makausap nya ang parents nya. Desisyon na rin ng pamilya nya ang ganoong set up dahil ayaw ng mga ito na klase ng buhay na meron si Elmo ngayon and he also wanted them to maintain their peaceful and quiet private life.

Nagrequest sya ng bakasyon kay Hugo at dinala sya nito sa lugar na iyon. He’s staying at a private house in Mindoro Oriental, at sya lang mag-isa roon. Pero meron pa ring mga fans na nakaalam na naroon sya kaya’t may mga sumunod sa kanya roon at nangulit. Gumawa na lang ng paraan si Hugo para palabasing wala na sya roon para matahimik na sya roon kahit man lang sa natitirang dalawang araw ng pag-stay nya.

“Don’t tell me napapagod ka na, pare.” Sambit ni Archie habang kausap si Elmo sa telepono.

“It’s not like that, dude. Gusto ko lang talaga ng break. For five years, hindi naman ako tumigil sa pagtatrabaho, alam ni Hug iyon. All I ever wanted is to have a vacation na walang halong trabaho, iyon lang, masaya na ‘ko.” Nasa may rooftop si Elmo at nanonood ng sunset.

“Well, looks like Malabo pa mangyari iyon pare. After ng shooting ng movie mo, i-request mo agad kay Hugo iyang pangarap mong bakasyon.”

“I definitely will.”

“Eh kung, mag-girlfriend ka na kaya, dude?”

“Ano?”

“Kayo na lang ni Jasmine total bagay naman kayo saka gustong-gusto kayo ng mga tao. O kaya find a non-showbiz girl. Go out. Date someone. Para maiba naman ang routine ng everyday life mo.”

“The last thing I need right now is a girlfriend, Arch.”

“Bahala ka na nga.”

“I’ll see you when I get back. Magpapahinga na ‘ko, buong araw na ‘kong nagbabasa ng script.”

“Okay. Ingat diyan pare. See you.”

“Bye.”

Nagluto ng hapunan si Elmo saka nya binuksan ang TV at iniwasan ang kahit anong balita. He chose to watch a movie on a cable channel habang kumakain sya sa may sala. Sanay sya sa ganoong set up, ang mag-isa sa bahay. For years, he’s been having a great time of his life, a kind of fame and fortune a simple person like he was doesn’t get every day. But he’s not totally happy. Yes, he has everything, but he has no one to share it with.

Pagkatapos nyang kumain ay nagbabad sya sa bath tub ng halos isang oras at saka nag-shower. He put on his white shirt and shorts, and lied on his bed and put his beats on. Music relaxes him and can make him feel better. He plays the guitar and he sings pero wala pa syang balak sumubok na pasukin ang music industry. He wants to do things one at a time, tulad ng laging sinasabi sa kanya ni Hugo. Totoo ang sinabi nya kay Archie, hindi pa naman sya pagod, actually marami pa syang gustong gawin. Nasa point lang sya na gusto lang talaga nyang magpahinga.

He’s starting to fall asleep when suddenly, “Blag!” Napadilat sya’t napabangon nang marinig ang malakas na kalabog na iyon na nagmula sa may kung saan. Parang may kung anong bumagsak sa malapit at naramdaman nyang parang tila lumindol nang kaunti sa sobrang lakas niyon. At first he thought it was from the attic pero pag-check nya’y hindi naman. Bumaba sya sa first floor ng bahay at doon nakita ang usok na nagmumula sa may kusina. Nagtungo sya roon at nagulat nang makitang nabutas ang isang parte ng bubong ng kusina at isang di maipaliwanag na bagay ang nasa gitna ng lugar na iyon.

Nahirapan syang makita nang maayos ang bagay na bumagsak mula sa itaas dahil sa usok na medyo maagal bago nawala. Bigla syang napaatras nang Makita nya ang isang taong nakapulupot at nakabalot ng parang plastic. Tatawag n asana sya ng pulis nang biglang kusang napunit ang plastic at isang babae at umubo nang umubo.

“Sino ka?!” tanong nya.

Tumigil sa pag-ubo ang babae at saka ito tumayo, at binigyan si Elmo ng unang pagkakataon para masilayan ang kanyang mukha. Napatitig si Elmo sa babaeng kaharap. Kakaiba ang suot nito, kulay berde at hapit sa katawan. May malaking bilog na parang butones ito sa may dalawang braso, sa may dibdib at sa magkabilang side ng beywang. Umiilaw and suot nitong bracelet sa magkabilang kamay at ang nakapaikot sa noo at ulo nito. Mahaba at kulay brown na napakatingkad ang buhok nito at magkahalong pink at brown ang mga mata nito. Mapupula ang mga labi, maputi ang balat at napakaganda.

Muling napaatras si Elmo nang humakbang ito palapit sa kanya. Bigla itong tumigil at tinitigan sya. “Sino ka?!” tanong ulit ng binata. “Saan ka galing? Anong ginagawa mo rito?!”

Hindi sumagot ang babae at napalingon at tumingala sa maliit na butas sa may bubong ng kusina, nakita nito ang langit na puno ng bituin ng gabing iyon. Tumingin itong muli kay Elmo.

“Tarhe-di?” sambit nito. Maamo at malambing ang boses nito.

“Ano? Anong..tar…teka, sino ka ba?”

“Tarhe-di? Ir-di?” Napakunot-noo si Elmo at hindi nya ito maintindihan. Pinindot ng babae ang gild ng headband na nasa noo nito at saka biglang lumtaw ang isang 3D computer graphic image ng world map sa pagitan nila ni Elmo. “Tarhe.” Sambit ng babae. Nakahiglight ang mapa ng Asia at naka-emphasize ang mapa ng Pilipinas. Lumabas ang dalawang salita sa may gilid na hindi maintindihan ni Elmo, iyon ay ang English at Tagalog. “Ohh.” Sambit ulit nito.

Pag-turn off ng babae sa gadget nya’y bumaling syang muli kay Elmo. “Earth. Philippines.” Sambit nito. At saka biglang nagpalit-palit ng kulay ang mga mata nito na ikinagulat at ikinatakot ni Elmo, napasandal ito sa may dingding.

“What the…sino ba ‘tong babaeng ‘to?!”

Pagkurap ng babae’y nagbalik na sa dating kulay ang mata nito. Ngumiti ito kay Elmo. “Kumusta?” Napataas ng kilay si Elmo at nabigla nang magsalita na ito nang normal. “Ako si Hel-in..english name, Julie. Isa kang tao, hindi ba?”

Hindi agad sumagot si Elmo at nang ma-realize nyang nagsasalita naman pala ng tagalong ang babae’y nakahinga sya nang maluwang at inis na lumapit rito. “teka miss, sino ka ba ha? At bakjit sa lahat naman ng puwedeng bagsakan, ito pang bahay ng manager ko? Saan ka ba galing?!”

“Sa Gernoi, isang planeta sa messier 82. 12 million light years ang layo mula sa Earth, ang planeta ninyo.”

“Ano?! Anong Gernoi? Anong messier…mes-“ biglang napatigil si Elmo nang may bigla syang naalala. “Messier…82?” nakangiting tumango ang babae. “Messeir 82. MS2.” Bulong ni Elmo. Dali-dali nyang kinuha ang cellphone nya’t mabilis na hinanap iyon sa internet at hindi nga sy nagkakamali. Isa sa mga interes nya ay ang pag-aaral ng astrology noong nasa college pa lang sya. Napatingin syang muli sa babae.

“Paanong- isa kang..“

Itinaas ni Julie ang kanang kamay nito, offering a handshake. “Ganito kayo magpakilala sa isa’t isa, hindi ba? Kayong mga tao. Uulitin ko, ako si Julie, ikinagagalak kitang makilala.”

“…alien?!”

 

 

 

********************

It’s You and Me 2 (14.1)

****************

“Having what they call wedding jitters?” Napalingon si Julie at napangiti nang makita si Andrew. “Or second thoughts?” Lumapit ito sa kanya at umupo sa tabi niya. Julie’s at her favorite swing in their garden when Drew quietly sneaked in. “Or…are you thinking of making another i-feel-like-breaking-your-heart-again-to-see-how-much-you-love-me plan for my bestfriend?”

Julie laughed and rolled her eyes and shook her head. “Sira.” Then she smiled at Drew again. “None of the above.”

“Good. Very good. Because I’m not good at comforting weeping guys.”

“What brought you here?” tanong ni Julie.

“My car?”

“Kailan ka pa naging corny?”

“I have no idea.” Andrew took a deep breath and leaned on the back of the swing. “You’re getting married in three days, ready?”

Tumango-tango si Julie. “Yeah.”

“Yeah?” Bumuntong-hininga ang dalaga. “Something’s bothering you, what is it?”

“Wala lang. Hindi ko lang talaga maiwasang hindi isipin iyong mga ginawa ko kay Elmo.”

“What do you mean?”

“Umalis ako nun na hindi ko man lang sinabi iyong totoong nararamdaman ko. Pinaghintay ko sya nang matagal. Tinanggihan ko iyong unang beses na inalok nya kong magpakasal. Nasaktan ko sya. Nilayuan ko sya. Sa lahat-lahat ng mga ginawa nya para sa ‘kin, parang…parang hindi ako derseving sa-“

“Hey, hey, hey.” Napatigil si Julie nang hindi na sya pinatapos ni Andrew. Napatingin sya rito. “Wala na iyon kay Moe and you have to stop worrying about that. “Can’t you still see how much my bestfriend is so in love with you?”

“Iyon nga. Parang mas mahal niya ko.”

“And don’t you like that?”

“Isn’t that unfair?”

Ngumiti si Andrew sa kanya. “No, not at all. Unfair kung isa sa inyo ang hindi nagmamahal. You both each other and you have your own way of loving one another, nagkataon lang talaga na…matindi magmahal ang taong iyon. And he loves you so much that he really doesn’t care about the things that you worry about.”

“Drew, salamat ha?”

“For what?”

Julie smiled first before answering his question. “Sa pagdala mo kay Elmo sa buhay ko.”

“Well, you should thank yourself for waiting for me.”

“Oo nga.”

“At bakit ang lagkit ng tingin mo kay Julie ha, Drew?!” Sabay na napalingon ang dalawa at nakita sina Gretch at Ella. Lumapit ang mga ito sa kanila. “Subukan mong bawiin ang bestfriend namin kay Magalona, at mapapaaga ang libing mo.” Dagdag pa ni Ella. Nagtawanan silang lahat sa tinuran nito.

“Grabe ka naman, Ella. Para namang hindi ka boto sa ‘kin dati para kay Julie.”

“Hindi naman talaga ‘no, team Magalona na ko noon pa.”

“Ikaw talaga oh.”

“Oh, bakit nandito kayong dalawa? Sino’ng naiwan sa school?”

“Don’t worry Jul, kayang-kaya na ng mga kasama natin ang trabaho run.” Si Ella.

“We’re to pick you up, Cinderella.” Si Gretch.

“Saan tayo pupunta?”

“It’s fitting day!”

 

“This is really nice! I love it.” Nakangiting sambit ni Elmo habang pinagmamasdan ang reception venue kung saan gaganapin ang party pagkatapos ng kasal nila ni Julie.

“I know.” Sagot ni Liz.

“Do you think Julie will-“

“Oh yes, of course she will! Relax, Moe.” Natatawang sambit ng dalaga. Nagkaroon sila ng metting with the wedding organizer at ipinakita na rin sa kanya ang venue. “I’m sure Julie will love everything.”

“Thank you, Liz.”

“Anytime.” Moe smiled at her. “You’ve been thanking me enough since the day I let you go.” Nagtawanan sila.

“And I will be completely happy if you would find the right man who will never leave you and never hurt you, and will love you the way you love. You deserve the kind of love you’ve been dreaming of since we were young.”

“Huwag mo nang problemahin ang lovelife ko, ako na bahala.”

“Bakit hindi na lang kaya kayo ni Drew?”

“What?!” at natawa nanag husto si Liz sa sinabi ng binata. “Are you serious?!”

“Why? Andrew is a very good guy, you know him. He’s my bestfriend. He’s the love of my life’s first love, that’s huge for me.” Liz continued laughing. “You two should date.”

“What, are you becoming a cupid now? Tigilan mo ‘ko Moe.”

“Pero-“

“I need to go, It’s fitting day for the girls today, kailangan kong humabol. I’ll see you.”

“Fine. Thanks again. Ingat sa pag-drive! Take care of my fiancee!” Liz turned to him and winked, and Elmo just watched her leave. Bumalik na ang binata sa opisina nya pagkatapos at nakipag-meeting sa in-charged sa food ng party.

“Oh my gosh, Julie. You’re so gorgeous.” Sambit ni Gretch habang nakamsaid sila kay Julie na nakaharap sa salamin at pinagmamasdan ang sarili. She’s wearing a very beautiful wedding dress and she indeed looked like a royal princess.

“Eeeeh, Julie!” Lumapit si Ella sa kanya’t niyakap sya. “I’m so happy for you!”

“Thanks Ell. Gretch.” At nagyakapan silang tatlo. “Pagkatapos ko, kayo naman ha. Ayokong ma-out of placed kapag lumalabas tayo o nagkukuwentuhan dahil hindi na ko single.”

“Huwag kang mag-alala Jul, ako na next.” Si Ella.” Magpapabuntis na ko kay boyfriend nanag pakasalan na ‘ko.”

“Baliw ka talaga, Ella!” at nagtawanan sila.

“So lovely.” Biglang dating ni Liz.

“Liz!”

Sinukat din ng ttlo ang mga susuotin nilang gowns at dumating din ang tatlo pang bridesmaids ni Julie. Kinunan na rin sila ng litrato ng official photographer sa boutiqe na iyon para sa magiging album ng kasal nila. And then they went out and ate together after that.

 

“Pre-nup?” tanong ulit ni Julie habang kausap si Elmo sa telepono. She’s driving her way to Eric’s shop.

“Yeah. Okay lang ba sa iyo na..sa bahay na lang natin gawin? I have talked to Heather and she has the most brilliant ideas for the photos. Pinakita nya sa ‘kin kanina iyong draft, it’s really nice. But if you-“

“Hubb hubb.”

“Hm?”

“I love you.” Napangiti si Elmo habang inaayos ang mga blueprints na nasa desk nya. “Kahit saan pa, okay lang sa ‘kin.”

“Are you sure?”

“Yup.”

“Thanks. I’ll se you later, okay? San ka na nyan?”

“Papunta ‘ko sa shop ni Eric.”

“Okay. Huwag kang magtatagal dun ah.” Julie slightly laughed.

“Opo, five minutes lang po.”

Bakas sa mukha ni Eric ang pagkagulat nang makita nyang pumasok sa loob ng shop nya si Julie. Nakangiti itong lumapit sa kanya. “Hi.”

“Julie.” Pilit syang ngumiti rito. Ever since na malaman nyang ilang araw na lang ay ikakasal na si Julie kay Elmo ay naging matamlay na sya’t malungkot. “Kumusta ka na?”

“Eto, okay lang. Hindi na muna ‘ko pumapasok sa school kasi nagpe-prepare na for the wedding.” Tumango-tango si Eric.

“Sabi nga nina Ella. Nami-miss ka na ni Alice.”

“Namimiss ko na rin nga sya eh. Oo nga pala, pumunta ako rito para kay Alice.”

“Bakit?”

“Puwede ko ba syang kuning flower girl?” Natigilan si Eric.

“F-flowergirl?”

“Oo. Okay lang ba? I asked Moe na ilagay ang name ni Alice sa invitation, sorry kung ngayon ko lang naipagpaalam sa iyo. Pero kung ayaw mo-“

“No, no. It’s fine. Oo naman, puwedeng puwee. I think Alice will be happy kapag nalaman nya.”

“Talaga? Salamat. Ipapadeliver ko na lang iyong dress nya, tawagan mo na lang ako agad kapag may kailangan i-adjust.”

“I will.”

And then Julie smiled so kindly to Eric. “Thank you, Eric ha? Masaya ako kasi naging magkaibigan tayo. At kahit na minsan ding naging importante ni Marga sa buhay mo, hindi mo pa rin hinayaan na masira nya ko. Thank you.”

“Wala iyon. I’m happy for you.”

Nang umalis na si Julie ay naiwang malungkot si Eric. Sumandal sya sa isang kotseng naka-display doon at malalim ang iniisip nang biglang tumunog ang cellphone nya. He saw Margareth’s name on the screen.

“What?”

“are you busy?”

“Bakit na naman?”

“You might want to come oever here at my condo.”

“And why would I do that?”

“I bought a really nice dress, you should see it.”

“You know what Marga, wala akong panahon sa mga kung ano mang kalokohang gagawin mo. I’m done with you. Ayoko”

“Elmo’s not marrying your Julie.” Natigilan si Eric at biglang kinutuban.

“What?!”

“He won’t marry her and even is he’ll insist to, she won’t be walking down the aisle.”

“Ano na naman bang gagawin mo?”

“I’m pregnant remember? This poor little thing would need its daddy.”

 

 

Pagdating ni Julie s bahay nila ni Elmo ay nadatnan na nya ang buong staff, organizer at photographer na kukuha ng prenuptial photos nila ni Elmo. He greeted her with a sweet kiss and she greeted him back the same way.

“What did Eric say?”

“Wala daw problema sa kanya.”

“That’s good.”

“Thanks for allowing me to have Alice to be one of our flowergirls.” Sambit ni Julie sabay yakap sa binata.

“This wedding is for you not really for me, ikaw ang boss, ikaw ang masusunod.” Julie smiled and kissed him again.

“Ang bait-bait talaga ng hubb hubb ko!”

“Ready ka na?”

“Ready!”

Nagulat at natuwa si Julie nang makita nya ang mga damit na susuotin nya sa pagkuha ng prenup pictures nila ni Elmo. Binili pa iyon ng binata at ilan sa mga iyon ay kaparehas ng ibang susuotin ni Elmo. Hindi na sila lumabas pa’t nagtungo sa iba’t ibang location at inayos na lang ang buong bahay nila para sa mga litrato nilang kukunan. They made use of the whole house mula sa loob hanggang sa garden at sa may pool.

Elmo chose a professional photographer who works with famouse celebrities and models. Nagustuhan nang husto ni Julie ang mga drafts at sketches ng mga litratong kukunan sa kanila and she was so excited to pose naturally in love with her fiance.

There’s a picture of them playing the piano together, including a shot of theirs hands on the piano’s keys. Prenup pictures of them include holding their couple guitars and looked like they’re singing, Elmo’s hand writing music and lyircs while Julie’s looking at him from a distance, an aerial shot of the guitar-shaped swimming pool with floating flowers shaped as ‘J’ and ‘E’, them simpley sitting on the stairs, smiling and looking at each other wearing matched pajamas, Julie sitting on the swing and Elmo’s lying down with his head on her lap, them laughing at each other while they’re on two separate attic windows, Julie lying on the green gras while Elmo’s about to kiss her and he’s looking down at her from the opposite side, the two of them kissing a strawberry cake, a back shot of tthem while they’re in Elmo’s blue sports car and many more.

Pagkatapos nun ay nagkaroon na sila ng pagkakataong magpahinga. Elmo took Julie home.

“Pagod na pagod ka na hubb hubb, tignan mo iyang mukha mo.” Si Julie.

“I don’t care. I’m happy.” Napangiti sya. “Isang araw na lang.”

“Dalawang tulog pa. Excited ka masyado.”

“Ikaw ba hindi?”

“Excited din.” At nagtawanan sila. Then Elmo held her hand and stared closely at Julie’s face.

“Saan mo gusto mag-honeymoon?”

“Hmm…Paris? Greece? O kaya…sa bahay na muna?” Elmo laughed so hard. Natatawa namang nagkunot-noo si Julie. “Ano’ng nakakatawa?”

“I’d go for the third one. And then, I will take you anywhere you want to go.” Bumitaw si Julie sa pagkakahawak ng binata at kinurot nya parehas ang dalawang pisngi ni Elmo.

“Hubb hubb hubb hubb hubb.” At limang beses nya itong hinalikan nang sunod-sunod. Parang bata namang nageenjoy si Elmo and then he hugged her tight afterwards. At saka may biglang naalala si Julie.

“Teka„ nagawa mo na ba iyong wedding vow mo?”

“Oo naman, ako pa. eh ikaw?”

“Syempre. Kapag hindi maganda iyong sa iyo, malalagot ka s ‘kin.”

“Eh kung sa iyo naman iyong hindi maganda?”

“Wala kang gagawin.” Tumawa si Elmo at kiniliti si Julie bilang ganti. “Aaah, Magalona!” And they said goodnight to each other happily and in love.

Nawala ang ngiti at sigla ni Elmo nang datnan nya si Marga at ang daddy nito sa living room ng bahay nila. Naroon din ang daddy nya’t ang asawa nito, pati na rin ang lolo Alex niya. Lahat sila’y nagsitayuan at seryosong tumingin sa kanya.

“Good evening, sir.” Bati nya sa daddy ni Marga. “Marga. What’s going on?”

Lumapit si Philip sa kanya. “Son.”

“What is it, dad?”

“Your wedding’s cancelled.” Biglang sambit ni Marga.

“What?! What the-“

“My daughter’s pregnant!” biglang singit ng daddy ni Marga. Napatingin rito sa Elmo. Naglipat-lipat ang tingin nya mula rito, sa lolo nya, kay Marga, kay Philip at pabalik sa mayang negosyante.

“Mr. –“

“You need to marry my daughter. She’s carrying your child.”

 

 

……………….tbc

 

 

 

updates on ff update:

IYAM2 next chapter: tonight

Mismatched 5: Fangirl chapter 2: tonight or tom (yes, finally!haha)

Finding Sam chapter 3: baka next week (i lost my draft, so need to make a new one.XD)

New FF:

The first story of my all-new Matched series!

image

will start this tonight! :D

heto na naman ako, sabay-sabay na naman.haha!.. na-miss ko magsulat, can’t help it :p

To Tumblr, Love Pixel Union